stUpiDitY

bakit?
masama bang magmahal ng sobra?

ung tipong nasasaktan ka na
pero sasabihin mo sa sarili mo na,
"ok lang un… iintindihin ko nalang siya…"

ung tipong kahit gusto mong magalit,
at isumbat mo sa kanya ang
inis,
selos,
at tampong nararamdaman mo,
ay di mo magawa
kasi natatakot kang mawala siya sa’yo…

ung tipong magbubulagbulagan ka nalang
kahit sobrang tanga ka na
kasi kitang kita mo na…
para lang sabihin na
wala siya maling nagawa sa’yo…

ung tipong sobrang mahal mo siya
at niisang dahilan
walang pumapasok sa isip mo
na nasasaktan ka na pala niya
kasi di mo kayang iwan siya…

ung tipong alam mo naman
at sigurado ka
sa nararamdaman niyang pagmamahal sa’yo,
kaso natatago ung kaba sa puso mo
na baka may kulang pa sa’yo
at maghanap pa siya ng iba…

ung tipong ayaw mo
mawalan ng tiwala sa kanya
dahil sobrang mahal mo siya
pero di mo maiwasang dumating
ang pangyayari na makakasira
ng malaki mong tiwala sa kanya
tapos bigla ka nalang maguguluhan
at parang ang bigat ng puso mo ng di inaasahan…

ung tipong mahal na mahal mo siya
at walang dahilan kung bakit…

ano nga ba ung sagot dito?
masasabi bang martir ako
o sadyang tanga lng?!..

One Response to “stUpiDitY”

  1. ShEiLa Says:

    ung tipong maiiyak ka na pero pilit kang tatawa ng malakas para lang masabi ng kung sino mang kaharap mo na naiiyak kasa sa tawa..
    ung tipong lumilipad ung isip mo sa pag-iisip at pagtatanong kung bakit ganun sya, hndi ba niya nararamdamn o sadyang manhid lang siya..
    ung tipong kapag nakakita ka ng madilim na kwarto, di na mapigilan ang luha mo..
    ung tipong gabi-gabi na lang kaharap mo ang ding2 nyo habang ang unan at kumot mo basang-basa na..
    kelan nga ba matututo,minsan kapag matagal na parang masasanay ka na…hangang sa huli tanggap mo na pala na hanggang dun ka lang…
    hindi dahil sa pride, na sasabihin mo na wala siyang karapatang iparamdam sa kin to, kundi dahil sa sobra mo nang naiitindihan ang lahat..nalaman mo na ang sagot sa tanong..naging manhid ka na rin..dun ka na bibitiw..dahil ang akala mo nagtataksil ka na, dahil di mo na nararamdam ung dating ikaw,ung sobra mong pagmamahal sa kanya, ung tipong di mo na alam kung ano ba ang pagkakaiba ng sakit sa kaligayahan..at kahit umiyak pa sya sa harapan at piliting magpaliwang ka man lang kung bakit ayaw mo na..hindi ka na lang magsasalita dahil pagod ka na..na sana, naitanong niya ito noon…kung sana inalam man lang niya ang nararamdaman mo..baka ikaw pa rin ung martir na nagmamahal sa kanya..
    magkano b gramo ng oras niya..sabihin niya lang..kahit mangutang ako..magbabayad ako…

Leave a Reply